Kinumpirma ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pagkamatay ng kanilang top leaders na si Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon.

Umabot pa umano ng ilang buwan na imbestigasyon bago makumpirma ng CPP ang pagkamatay ni Benito at Wilma.

Kinondena naman ng pamunuan ng CPP ang pagpatay at pag-”torture” di umano ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga nasabing lider matapos mahuli sa Samar.

“The entire leadership and membership of the Communist Party of the Philippines (CPP) condemns in the strongest terms the Armed Forces of the Philippines (AFP) for the brutal torture and cowardly killing of Party leaders Benito Tiamzon (Ka Laan) and Wilma Austria-Tiamzon (Ka Bagong-tao), together with eight other revolutionaries after they were captured in Samar province on August 21, 2022,” ayon kay chief information officer ng Partido Komunista na si Marco Valbuena.

(CS)

The post CPP kinumpirma pagkamatay ni Benito, Wilma Tiamzon first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT