Humakot ng katatawanan online ang isang lalaki na parang naghilamos nang dumalo sa Linggo ng Palaspas at magpabasbas sa pari.
May 270,000 views na at mahigit 6,000 haha react ang video na ibinahagi sa Facebook ni Ading Tuscano Quintero II.
Makikita ang lalaki na pumunta sa harapan malapit sa pari upang mapabasbasan ang kanyang palaspas.
Sa sobrang lapit sa pari ay nasalo ng mukha niya ang binasbas na holy water para sa mga palaspas.
“Usapan basbas lang bakit naghilamos ako. Damang dama ko talaga kwaresma ngayong taon Father [laughing emoji]. Pwede nako isabit sa pinto,” sabi ni Ading sa caption. (IS)
The post ‘Damang-dama ko ang Kuwaresma’: Lalaki parang naghilamos sa basbas ng pari first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento