Nakarekober na ang unang kaso ng COVID-19 Omicron subvariant na XBB.1.16 sa bansa o mas kilala bilang Arcturus, ayon sa Department of Health (DOH) nitong Miyerkoles, Abril 26.

Ayon sa kagawaran, nagmula sa Iloilo ang tinamaan ng Arcturus variant at asymptomatic o walang sintomas ng sakit.

Noong Martes inanunsyo ng DOH na nakapasok sa Pilipinas ang XBB.1.16.

Saad pa nila, ang Arcturus variant ay may abilidad na i-evade ang immunity at mas nakahahawa. (IS)

The post DOH: Unang kaso ng Omicron subvariant Arcturus sa ‘Pinas gumaling na first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT