Posibleng maranasan sa ilang parte ng bansa ngayong araw ang 40°C na heat index, ito ay ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

“But yung heat index na tinatawag— o yung nararamdaman init ng ating katawan— ay posible pa ring umabot sa higit 40°C,” ayon kay PAGASA weather specialist Benison Estareja.

Sa Mindanao, posibleng mas mataas pa sa 40°C na heat index ang maranasan, ito ay sa lugar ng Zamboanga del Norte, Butuan City sa Agusan del Norte, General Santos City, Cotabato City at Davao City.

Dagdag pa ng PAGASA, posible rin umanong umulan sa ilang parte ng Visayas at Mindanao sa Sabado at Linggo.

(CS)

The post Heat index ngayong araw posibleng pumalo sa 40°C first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT