Nagulantang ang isang lalaki matapos madiskubre ang isang higanteng gagamba sa saging na kaniyang nabili sa grocery store sa UK.
Ayon kay Craig Harrison, bukod sa higanteng gagamba, mayroon din umano itong kasamang itlog na posibleng naglalaman ng 200 na batang gagamba.
Venomous din umano ang higanteng gagamba na ito.
Kinilala naman ang uri ng gagamba na isang Huntsman spider, kilala umano talaga bilang isang higante na gagamba ang ganitong uri.
Dinala naman ni Harrison ang gagamba sa pest control service ng grocery store at dito na nadiskubre ng lalaki na galing pa sa Dominican Republic ang kaniyang nabiling saging.
(CS)
The post Higanteng gagamba natagpuan sa saging na nabili sa grocery store first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento