Inihayag sa Twitter ni dating Vice President Leni Robredo ang kaniyang pasasalamat sa mga natanggap niya sa kaniyang kaarawan.

Pinasalamatan nito ang mga nag-abot ng bulaklak, pagkain at mga birthday wishes.

“Thank you to everyone who sent flowers, food and birthday well wishes”

Sa sobrang dami naman ng bumati ay sinusubukan ni Robredo na sagutin isa-isa ang mga nagpadala ng mensahe.

“Sinusubukan ko pa din sagutin isa isa yung lahat na mensahe pero mukhang hindi ko kakayanin”

Bagama’t nadagdagan na naman ang kaniyang edad, napuno naman umano ng saya ang kaniyang kaarawan.

“Please know na sobrang pinasaya niyo ako kahit tumanda na naman tayo”

Ipinagdiwang ni Robredo ang kaniyang kaarawan kahapon, Abril 23.

(CS)

The post Inulan ng regalo! Leni Robredo napuno ng saya ang kaarawan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT