May bago ng logo ang Presidential Communications Office (PCO).

Inanunsyo ng MalacaƱang ang pagbabago sa logo ng PCO sa layuning maging mabilis ang paghahatid ng impormasyon sa publiko.

Sa Facebook page ng PCO, makikita ang araw na matatagpuan din sa watawat ng bansa.

May tatlong bituin sa bagong PCO logo na sumasagisag sa Luzon, Visayas at Mindanao at isang pluma na simbolo sa pagsusulat at komunikasyon.

Sa dulong bahagi ng pluma ay makikita ang kidlat na simbolo ng mabilis na pagpapadala ng balita.

Ang PCO ang communications arm ng gobyerno na ang mandato ay maghatid ng mga makatotohanan at makabuluhang impormasyon patungkol sa mga ginagawa ng gobyerno.

Kasama sa tungkulin ng PCO ay ang paglaban sa fake news na talamak ngayon lalo na sa social media.

Sakop nito ang lahat ng government media entities ng pamahalaan gaya ng PTV 4, Radyo Pilipinas, Philippine News Agency at iba pang ahensya na naghahatid ng mga pangunahing impormasyon sa publiko. (Aileen Taliping)

The post Logo ng PCO, binago first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT