Naantig ang netizens sa sinapit ng 61-anyos na lalaki mula sa Batangas City matapos siyang masalisihan ng magnanakaw.

Ayon sa ulat sa DZBB, nanakawan si Antonio Merilo sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) noong Marso 14.

Ani Merilo, nasalisihan siya nang makatulog at nang magising ay wala na umano ang cellphone at bag niyang naglalaman ng P15,000.

Inutang lamang daw niya ang P15,000 para pang-upa habang naghahanap siya ng trabaho sa Metro Manila.

Iniimbestigahan pa ng kapulisan ang insidente. (IS)

The post Lolo halos 3 linggo nang ‘nakatira’ sa PITX matapos madale ng ‘salisi gang’ first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT