Pinaalalahanan ng Malacañang ang publiko na huwag kalimutan ang kanilang obligasyon sa tamang pagbabayad ng buwis.

Sa kabila ito ng pagiging abala na ng mga tao sa mahabang bakasyon ngayong semana santa.

Ayon sa Presidential Communication Office (PCO), ngayong linggo ay ipinagdiriwang ng bansa ang tax consciousness week, alinsunod sa proclamation number 357 series of 1968.

Ayon kay PCO Secretary Cheloy Garafil, mahalaga ang buwis na naiaambag ng mamamayan sa mga programa at proyekto ng gobyerno tungo sa mas maunlad at magandang Pilipinas.

Pinaalalahanan ng kalihim ang mga taxpayer na April 15 ang deadline ng paghahain ng income tax return o ITR kaya mas mainam kung gawin ito ng maaga.

Huwag na aniya hintayin pang umabot sa deadline bago magsumite ng ITR upang makaiwas sa abala at stress. (Aileen Taliping)

The post Malacañang pinaalalahanan ang publiko na magbayad ng tamang buwis first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT