Nagsimula na ang evacuation sa Sudan, kung saan 150 katao na ang nailikas patungong Jeddah, Saudi Arabia nitong Sabado.

Kasama sa na-evacuate ay 91 Saudi national, habang ang natitira naman ay nagmula sa ibang bansa kasama dito ang mga Pinoy.

Ilan sa mga inilikas ay itinuturing na diplomat at international official.

Patuloy ang madugong bakbakan sa Sudan dahil sa agawan ng kapangyarihan sa pagitan ng Sudanese Armed Forces at Rapid Support Forces.

Hirap na makaalis sa bansa ang mga residente at foreigner sa Sudan dahil tina-target ng militanteng grupo ang mga airport.

The post Mga Pinoy inililikas na sa Sudan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT