Hinarana ng mga lokal na mang-aawit ang mga sundalo kasama ang kanilang mga pamilya sa unang Konsiyerto sa Palasyo na ginawa sa Malacañang Palace Grounds nitong Sabado ng gabi.

Kasama ring nanood si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos, Vice President Sara Duterte-Carpio at dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ang konsiyerto ay handog ng Pangulo sa mga sundalo bilang pagkilala sa mga sakripisyo ng mga ito sa pagpapanatili sa kapayapaan at seguridad ng bansa.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), masusundan pa ang konsiyerto upang maipakita ang husay at talento ng mga lokal na mang-aawit at iba pang artists mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“Konsiyerto sa Palasyo: Awit ng Magiting aims to acknowledge the sacrifices of the members of the AFP to maintain the nation’s sovereignty, peace and security,” anang PCO.

Kabilang sa mga nagpakita ng husay sa kanilang talento ay ang Samiweng Singers mula sa ilocos Norte; mag- amang Benedicto Costaños Sr.at Jr. na tumugtog gamit ang alpa at musical director Jeddi Cris Celeste mula sa Iloilo City.

Kasama ring nagpamalas ng talento ang iba pang local talents mula sa Davao, Quezon Province, Cavite, Ilocos Norte, Paranaque City at Quezon City.

Nanood din sa concert sina Senators Cynthia Villar, Jinggoy Estrada at Francis Tolentino. (Aileen Taliping)

The post Mga sundalo hinarana sa Malacañang first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT