Viral ang panenermon ng isang Miss Gay contestant sa judge na nagbigay sa kanya ng bagsak na iskor.
Makikita sa viral TikTok video ang pagtalak ng contestant sa judge na nangyari umano sa Miss Gay pageant sa Talavera, Nueva Ecija.
Anang Contestant No. 4, isa raw ang pagiging unfair ng mga judge kaya maraming nag-backout sa naturang pageant.
Kinuwestiyon niya ang pagbibigay ng mataas na iskor sa contestant na mali naman ang isinagot. Sinang-ayunan siya ng audience.
“Isa rin po sana ako sa magba-backout pero I push through kasi inisip ko ngayong gabi ay walang mangyayaring ganito pong eksena. Pero para ibagsak po ako ng 30%, if that judge actually gave me at least 90 or 91%, I should have won the title. Pero ‘yung isang judge po na nagbigay sa akin ng 30%, siya po ang nagbagsak sa akin to be the second-runner up,” aniya.
“I have nothing against Number 6, mahal ko siya kasi nasa likuran ko siya nagsi-share kami ng insights, but her answer is not actually right. Vices is bisyo, it’s not advices.
“Kaya ang sa akin lang naman po, sana kung magpapa-competition kayo ng ganito, huwag naman po kayong nagbabagsak ng candidate ng 30%. Kasi I did my best,” patuloy pa niya.
Sa huli ay naiiyak na tinanggap ng contestant ang 2nd runner-up crown, envelope at sash saka siya nag-walkout. (IS)
@ranigenchez Ms. Gay Minabuyok, Talavera, Nueva Ecija #vices #turnedtoadvises #SupposedtobeTitle #NalaglagTo2ndRun #IsangJudgeBinigyanNg30 ♬ original sound – Rani Genchez
The post Miss Gay contestant sinermunan ang judge matapos siyang bigyan ng bagsak na iskor first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento