Ilang taon nang mag-asawa sina Celina at Joseph Quinones bago nila matuklasan na magkamag-anak pala sila.
Sa isang TikTok video, binahagi ni Celina ang naging resulta ng kanilang DNA test ng kanyang mister kung saan lumitaw na magpinsan sila.
Magkakilala naman daw ang kanilang pamilya ngunit hindi rin daw nila alam na magkakamag-anak na pala sila.
“We ended up having our wedding, and even then, our grandmas seemed to be a lot alike, and they got along, but still, nothing clicked,” ayon kay Celina sa panayam ng People.
@realestatemommas #CapCut My kids and my husband are my everything and we looked passed it. All our kids has 10 fingers 10 toes. It’s a good ice breaker lol
Nang malaman nilang magkamag-anak sila, napag-isip sila kung tama ba na ituloy nila ang kanilang relasyon.
Pero dahil may tatlo na rin naman silang anak, napagdesisyunan nila na hindi na palakihin ang kanilang natuklasan at panatilihing buo ang kanilang pamilya.
“I was in shock. I was a little depressed over it, to be honest. But this was after we already had three kids, and all of them were healthy,” lahad pa ni Celina.
Ngayon ay masaya si Celin at hindi na pinapansin ang sinasabi ng ibang tao.
“Like, it is what it is. There are people that love no matter what or who, so why can’t I love my cousin by accident?” wika niya. (RP)
@realestatemommas #CapCut ♬ original sound – The Qs (Realtor & Writer)
The post Naghiwalay kaya? 17 taong mag-asawa nalamang magpinsan pala! first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento