Ibinunyag ni National Bureau of Investigation Region VII Director Rennan Augustus Oliva sa Senado na pinagbantaan siya ni suspended Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. matapos niyang pangunahan ang isang raid sa isang online cockfighting livestreaming hub sa Cebu.
Sa pagadinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, kinatigan ni Oliva ang naunang pahayag ni Pamplona Mayor Janice Degamo na nag-uugnay sa pamilya Teves sa operasyon ng e-sabong.
Ayon kay Oliva, tatlong araw matapos ang raid, natanggap siya ng tawan mula sa noo’y NBI Assistant Regional Director Noel Bocaling at sinabihan siyang nais siyang kausapan ni Teves tungkol sa isinagawa nilang raid.
Nang magkita sila, sinabi umano Teves sa kanya na hindi na siya konektado sa operasyon ng e-sabong at ipinasa na umano niya iyon sa kanyang mga kaibigan.
Sinabihan din niya si Teves na sinalakay ang cockpit dahil hidni nakarehistro iyon sa Philippine Amusement and Gaming Corporation at kahit ang mga rehistrado ay ni-raid din nila dahi kautusan ng dating President Rodrigo Duterte na ipatigil ang operasyon ng e-sabong.
“I was then surprised about his response to me. He told me he will sue my men for stealing P7 million at the cockpit. He continued to say that he will spare me from the case if I make it negative of any incoming operations against e-sabong,” sabi ni Oliva.
Ang mga nasasam ng item sa operasyon ay mga streaming paraphernalia, computers, at P2.6 milyon lamang.
“I just laughed because I told him you cannot [make] me betray my oath as a law enforcement officer. I told him frankly, ‘If you want to file the case, you file the case against me. I will answer it because it is not true. I am not afraid,’” dagdag pa niya. (Dindo Matining)
The post NBI official pinagbantaan ni Teves first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento