Tila ‘naloka’ ang isang OFW na mula sa Hong Kong na si Rachell Anne Alconcel Ramos matapos wasakin ang kaniyang uwing laruan na eroplano.
Ayon kay Rachell, na-hold umano siya sa customs dahil sa dala niyang nasabing laruan.
“Yung ngayon lang yata sila nakakita ng ganyang display kaya nahold ako sa customs nung sabado”
Mayroon din umanong mga pulis, PDEA at customs staff na pumunta.
“yung may police, pdea at customs staff”
Ngunit matapos wasakin ang laruan, semento lang pala umano ang natagpuan sa loob nito.
“and just to find out na parang semento lng ang nasa loob, parang espalto kumbaga”
Hindi naman na umano siya nagpabayad at humingi na lang ng sorry ang mga nasabing tauhan. Nilinaw din nito na kagustuhan niya na basagin ang laruan dahil ayaw siyang i-release matapos ang dalawang beses na pagdaan sa x-ray machine at dalawang beses na pag-check ng police dog.
“pasalamat nga sila d ko n pinabayaran eh may awa pa naman ako kahit konti lng. hayyysss . 2x na pinadaan sa x-ray machine, 2x chineck ng police dog, pero walang nakita pero ayaw pa rin ako irelease kaya sbi ko basagin n lng”
Ibinahagi rin nito ang isang video kung saan makikitang todo palo ang ginawa ng isang staff upang mabuksan lang ang laruan.
The post OFW ‘naloka’ matapos wasakin ang uwing laruan na eroplano first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento