Isang jogger sa northwest Italy ang nasawi matapos itong atakihin ng isang oso.

Kinilala ang nasawing jogger na si Andrea Papi, 26 taong gulang. Naalerto umano ang pamilya ni Papi matapos nitong hindi na makabalik.

Natagpuan naman ng search team ang katawan ni Papi at nadiskubreng may malalim itong sugat sa leeg, braso at dibdib.

Samantala, napagdesisyunan naman ng mga lokal na awtoridad na paslangin ang nasabing oso kapag ito ay natagpuan na.

Nito lamang Marso, may naitala na rin na kaso ng pag-atake ng oso sa nasabing lugar.

(CS)

The post Oso inatake isang jogger sa Italy, patay first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT