Inaprubahan ng Kamara de Representantes kamakailan sa ikalawang pagbasa ang panukalang paggamit ng neo-ethic textile ng bansa sa academic regalia ng lahat ng state at local universities at colleges.
Ang academic regalia ang opisyal na kasuotan na isinusuot ng mga opisyal, faculty, graduates at awardee ng unibersidad at kolehiyo sa kanilang graduation, commencement exercises, at mga katulad na academic activity.
Ang neo-ethic textile naman ay ang mga tela na kinuha sa natural o indigenous material sa bansa.
Nakasaad sa panukalang Philippine Academic Regalia Act (House Bill 7620) ang pagtatayo ng Council na siyang gagawa ng polisiya para sa pagpapatupad ng panukala.
Ang Council ay pamumunuan ng chairperson ng Commission on Higher Education (CHED), at magsisilbing co-chairperson ang direktor ng Philippine Textile Research Institute of the Department of Science and Technology.
(Billy Begas)
The post Paggamit ng neo-ethnic textile sa academic regalia umusad first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento