Dapat umanong bilisan ang pagpasa ng panukala na magtatayo ng Department of Water Resources (DWRM) dahil nakararanas umano ng kakapusan sa tubig kahit na walang El Niño.
Ayon kay AGRI party-list Rep. Wilbert Lee bukod sa mga bahay-bahay ay apektado ng kakapusan ng suplay ng tubig ang mga magsasaka dahil kinukulang ang tubig sa mga irigasyon.
“There are many agencies that are concerned when it comes to water management. So we have to make it more cohesive,” sabi ni Lee na may-akda ng House 2880 na magtatayo ng DWRM.
Dahil kailangan ng pananim ang tubig, sinabi ni Lee na mayroon din itong epekto sa produksyon ng pagkain.
“Even without El Niño, many of our farmers already suffer from the effects of water shortage. May mga magsasaka po tayo na matagal nang nagtitiis at pinoproblema ang pagkakaroon ng maayos na irigasyon. Ngayong tag-init, marami sa mga sakahan ang natutuyot, na malaking kabawasan sa kanilang produksyon,” dagdag pa ng solon.
Sa ilalim ng HB 2880, maglalaan ng P2 bilyon para sa inisyal na operasyon ng bagong ahensya. (Billy Begas)
The post Pagtatayo ng Department of Water pinabibilisan first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento