Gumuho ang apat na palapag na parking space sa Lower Manhattan sa New York City, tinataya naman na nasa 100 sasakyan ang nakaparada sa nasabing gusali.

Ibinahagi naman sa Facebook ni Abante Correspondent Dave Llavanes Jr. ang ilang larawan ng pagguho kung saan makikita ang ilang sasakyan na magkakapatong.

“Nag-patong patong ang mga sasakyan matapos na gumuho ang apat na palapag na parking space sa Lower Manhattan sa New York City humigit kumuklang sa 100 sasakyan ang nakaparada na nasabing gusali kung saan isa na ang namatay habang anim ang nasaktan Ayon kay New York City Mayor Eric Adams,” saad nito sa caption.

Sa isa pang Facebook post ni Llavanes Jr., ibinahagi nito na gumamit na ang NYFD ng digidog upang matukoy kung may na-trap ba na tao sa gumuhong gusali.

(CS)

The post Parking space sa New York gumuho, ilang sasakyan nagpatong-patong first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT