Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si MGen Benjamin Acorda bilang bagong Philippine National Police (PNP) chief.

Papalitan ni Acorda si outgoing PNP chief PGen Rodolfo Azurin Jr., na nakatakdang umalis sa pwesto sa Lunes.

Si Acorda ay miyembro ng Philippine Military Academy ‘Sambisig’ Class of 1991.

Papangunahan naman ni PBBM ang Change of Command ngayong Lunes ng umaga sa Camp Crame, Quezon City.

(CS)

The post PBBM itinalaga si Benjamin Acorda bilang bagong PNP chief first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT