Masayang ipinagdiwang nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos ang kanilang 30th wedding anniversary nitong Lunes.
Sa social media post ng Pangulo, ibinahagi nito ang mga larawan kung saan muling nag-propose ito kay First Lady na tinanggap naman nito.
“She said YES (again)!” saad sa post ng Presidente.
Kasamang nag-celebrate ng First Family ay ang kanilang pamilya at mga malapit na kaibigan na dumalo sa kanilang kasal noong 1993.
Nakasaad sa wedding proposal ng Pangulo na idinaan sa sulat ang mga katagang “Dearest Liza, make all my dreams come true. Marry me again! Happy Anniversary!”.
Sinabi ni Pangulong Marcos Jr. na makalipas ang 30 taon ay walang ibang taong gusto nitong makasama kundi ang kanyang kabiyak.
“30 years later there is still no place I’d rather be and no person I’d rather be with. Liza, you will always be the girl of my dreams,” dagdag ng Pangulo.





Ang Pangulo at ang First Lady ay ikinasal noong April 17, 1993 sa Church of St. Francis sa Fiesole, Italy.
Unang nagkakilala ang Pangulo at ng Unang Ginang sa New York noong 1996 kung saan nagtatrabaho ito bilang abugado sa Amerika. (Aileen Taliping)
The post PBBM muling nag-propose kay First Lady sa kanilang 30th anniversary first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento