Sinorpresa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga manggagawang dumalo sa kick-off celebration ng Labor Day nitong Linggo ng umaga sa SMX Convention Center sa Pasay City matapos magpa-raffle ng limang house and lot.
Personal na binunot ng Pangulo ang pangalan ng mga manggagawang makakatanggap ng house and lot sa pamamagitan ng Pag-IBIG Fund.
Kabilang sa mga suwerteng nabunot sa raffle ay sina Anna Lara, Cipriano Reyes Basalo, Deborah Romero, May Justine Villarin at Heda Villada
Tatlong house and lots lamang ang orihinal na ipapamigay ng Pangulo subalit ginawang lima dahil ang unang dalawang pangalan na nabunot ay nasa activity center ng Kadiwa ng Pangulo na nakahiwalay ng lugar sa SMX Convention Center.
“Sandali, merong ano…May konting paliwanag, dahil dapat tatlo eh akala natin wala ‘yung isa, eh nandiyan pala kaya naging apat. Eh ‘yung apat parang bitin di ba? So kinurot-kurot ko itong si Secretary Gerry Acuzar para meron pa tayong isa,” anang Pangulo.
Bago ang pa-raffle ay sinaksihan ng Presidente and lagdaan ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para suportahan at palakasin ang puwersa ng mga manggagawa sa pamamagitan ng livelihood programs, job creations at skills training.
Kabilang sa MOA ang DOLE-TESDA training program sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD). (Aileen Taliping)
The post PBBM nagpa-raffle ng 5 house and lot para sa mga obrero first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento