Nagpatawag ng sectoral meeting sa Palasyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes upang kumuha ng update hinggil sa ginagawang right-sizing ng gobyerno.
Ang right-sizing ang isa sa mga binanggit ng Pangulo sa kaniyang unang state of the nation address noong nakalipas na taon na layuning mabawasan ang duplication ng mga trabaho sa gobyerno.
Kabilang sa mga dumalo sa sectoral meeting ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Special Assistant to the President Antonio Lagdameo, Press Secretary Cheloy Garafil, Department of Budget and Management Undersecretary Wilford Will Wong, DBM Director John Aries Macaspac, Secretary Mark Llandro Mendoza ng Presidential Adviser Legislative Affairs at Assistant Secretary Rose Virginie B. Iñigo ng Presidential Legislative Liaison Office.
Pumasa na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill no. 7240 o ang proposed Act Rightsizing the National Government nitong nakalipas na buwan na isa sa priority bill ng Marcos administration.
Sa ilalim ng panukala, pag-aaralan ng gobyerno kung alin sa 187 na mga ahensya ng gobyerno at government-owned and controlled corporations (GOCCs) na may isa o dalawang milyong personnel ay isailalim sa right-sizing sa pamamagitan ng merging, restructuring o abolition.
Ang mga maapektuhang kawani ng gobyerno sa right-sizing ay maaaring mag-apply sa mga bakanteng posisyon o piliing magretiro at tatanggap ng retirement benefits. (Aileen Taliping)
The post PBBM nagpatawag ng sectoral meeting kaugnay sa isyu ng right-sizing program ng gobyerno first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento