Umabot na sa mahigit tatlong bilyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot ng oil spill sa Oriental Mindoro sa sektor ng agrikultura.
Ito ang inihayag sa Laging Handa public briefing ni Diego Agustin Mariano, head ng Joint Information Center ng Office of Civil Defense kaugnay sa epekto ng oil spill mula sa lumubog na MT Princess Empress noong buwan ng Pebrero.
Ayon kay Mariano, aasahang tataas pa ang halaga ng pinsala ng oil spill dahil hindi pa ganap na natatapos ang pagtagas ng langis mula sa lumubog na barko.
“As of latest data po natin regarding po sa oil spill, ang halaga po ng damage po sa oil spill more than 3 billion na po, at iyan po ay running hanggang sa mayroon pa pong langis na tumatagas pa,” saad ni Mariano.
Karamihan aniya sa mga naapektuhan ay mga mangingisda at ilang seaweeds plantation na dinaanan ng langis at grasa.
Sinabi ng opisyal na tuloy-tuloy ang pagtulong ng pamahalaan sa mga biktima ng oil spill sa pamamagitan ng ibinibigay na tulong pinansyal at mga pagkain ng gobyerno para sa mga ito.
Tuloy-tuloy naman ang ginagawang paglilinis sa karagatan ng Philippine Coast Guard, katulong ang mga volunteer groups upang tuluyang maalis ang langis na tumagas sa lalawigan. (Aileen Taliping)
KW: Oil spill
SEO Title: Pinsala ng oil spill sa agrikultura, pumalo na sa P3 billion
META: Umabot na sa mahigit tatlong bilyong piso ang halaga ng pinsalang idinulot ng oil spill sa Oriental Mindoro sa sektor ng agrikultura.
The post Pinsala ng oil spill sa agrikultura, umabot na sa P3 billion first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento