Hinimok ni Senadora Grace Poe ang Land Transportation Office (LTO) na maglabas ng “complete report” sa backlog ng vehicle plates at lacense cards bukod sa dapat maglabas din sila ng detalye kung paano mareresolba ang nasabing mga problema.

“We ask the LTO to give the public a complete report on its backlog on vehicle plates and license cards to give a complete picture of the issues it is facing. With this, we also expect to know its timeline for clearing its deficiencies and how it will do it,” sabi ni Poe sa isang statement.

Ginawa ni Poe, chair ng Senate public services committee ang panawagan dahil sa may reputasyon ang LTO na hindi na “delivering short of what is expected.”

“Thorough planning and estimation might help the LTO be up to date with its requirements. It can’t always tell our people to rely on DIY and band-aid measures, which pose security risks and are prone to abuse,” diin ni Poe.

“Binabayaran ng motorista ang plaka at lisensya. Hindi katanggap-tanggap na sa huli, ang solusyon ay papel na kanya-kanyang imprenta. Hindi dapat taumbayan ang pinahihirapan sa sitwasyon na hindi naman nila kasalanan,” dagdag pa niya.

Nauna nang sinabi ni LTO chief Jay Art Tugade na magkakaubusan na ng license plate para sa motorsiko at kotse sa Hunyo.

Sa kabila nito, sinabi ni Tugade na gagamit na lamang ng improvised plate ang mga walang plaka. (Dindo Matining)

The post Poe sa LTO: Ilabas report ng plate, licenses backlog first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT