Nagbabala si Senadora Grace Poe sa isa na namang napipintong matinding backlog sa Land Transportation Office (LTO) sa gitna ng shortage ng plastic cards para sa driver’s license.
Sa isang statement, hinimok ni Poe, chair ng Senate committee in public service ang Department of Transportation na magpatupad ng napapanahong interbensyon para tapusin ang isyu para matapos na ang problema sa lalong madaling panahon.
“Issuing a license printed on paper is prone to wear and tear, tampering, and could compromise the security of the holder,” sabi ni Poe.
“Isa ang driver’s license sa mga government-issued IDs na karaniwang ginagamit sa iba’t ibang transaksyon. Pera ng ating mga kababayan ang pinambayad d’yan. Bigyan naman natin sila ng tama at kagalang-galang na lisensya, hindi lang kapirasong papel,” dagdag niya.
Problemado ngayon ang LTO dahil bigong itong makapag-isyu ng milyong license plates para sa mga rehistradong sasakyan sa bansa.
Binanggit ni Poe na naipasa noong 2017 ang pagpapalawig ng validity ng driver’s license sa 10 taon mula sa dating limang taon lamang para makatipid ang mga driver, maputol ang red tape at mabigyan sila ng identification card na magagamit nila sa iba pang opisyal na transaksiyon.
“The inconvenience hounding our motorists due to the unavailability of the license cards defeats the purpose of the law,” ayon kay Poe.
Noong Huwebes, inihayag ng LTO na iimprenta nila ang driver’s license sa papel dahil sa kakulangan ng plastic card.
Sabi LTO chief Jayart Tugade, may 140,000 plastic cards ang available nationwide at hindi ito sapat para matugunan ang pangangailangan sa kasalukuyan. (Dindo Matining)
The post Poe sa LTO: Lisensiya huwag iimprenta sa kapirasong papel lang first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento