Ipinag-utos ni Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Jay Daniel Santiago sa lahat ng port manager na maghanda ng sapat na pagkain para sa mga mai-stranded na pasahero.

Batay sa mga situation report na natanggap ni Santiago, nagsimula nang tumaas ang bilang mga pasahero sa mga pantalan kaya umaasa siyang hindi ma-delay sa pagdating ang mga barko at ferry na sasakyan ng mga ito.

“But in anticipation of unexpected delays, we want to make sure that our basic needs of the stranded passengers are immediately attended to,” lahad niya.

Tiniyak ni Santiago ang libreng pagkain para sa mga mai-stranded kabilang na ang aniya’y “signature PPA lugaw”.

Mula nitong Lunes, Abril 3 ay mahigit 23,000 pasahero na umano ang naitala ng PPA sa mga pantalan sa bansa.

Inaasahan ng PPA ang humigit-kumulang 2.2 milyong pasahero sa lahat ng pantalan nito sa buong bansa mula Linggo ng Palaspas, Abril 2, hanggang Linggo ng Pagkabuhay, Abril 9. (IS)

The post PPA may libreng pagkain para sa mga mai-stranded na pasahero sa pantalan first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT