Sa pamamagitan ng isang social media post, muling pinaalalahanan ng Philippine Ports Authority (PPA) ang mga pasahero hinggil sa pagdadala ng ham o anumang uri ng karne ng baboy.

Kung magmumula umano sa pantalan ng Batangas patungo sa Calapan, Mindoro at mga karatig na probinsya sa Visayas at Mindanao, huwag na umano itong dalhin.

“Abiso sa mga byahero ng pantalan, huwag ng magdala ng mga ham o anumang uri ng karneng baboy kung magmumula sa pantalan ng Batangas patungo sa Calapan, Mindoro, at mga karatig na probinsya sa Visayas at Mindanao.” saad nito sa caption.

“Alinsunod ito sa umiiral na direktiba sa lokal na pamahalaan ng Oriental Mindoro, o EXECUTIVE ORDER NO. 230 Series of 2019, kung saan ipinagbabawal na muna ang pagbebenta, pag-aangkat, at pag-iimport ng baboy o produktong gawa sa baboy para maiwasan ang paglaganap ng ASF virus.” dagdag pa nito.

(CS)

The post PPA pinaalalahanan ang mga pasahero sa pagdadala ng ham, karneng baboy first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT