Nakatakdang makipagkita kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes si Prime Minister Petr Fiala ng Czech Republic.

Ang Prime Minister ay nasa Pilipinas para sa tatlong araw na official visit.

Nakatakdang magkaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Marcos Jr. at Prime Minister Fiala ngayong Lunes ng hapon sa Malacañang kung saan inaasahang tatalakayin ang mga usaping kapwa pakikinabangan ng Pilipinas at Czech Republic.

Kabilang dito ang mga usaping may kinalaman sa depensa, kalakalan at pamumuhunan, ugnayan ng mga unibersidad ng dalawang bansa, isyu sa judicial at labor cooperation.

Ang pagbisita ng Czech Prime Minister sa Pilipinas ay inaasahang magpapatatag sa relasyon ng dalawang bansa.

Unang nagkita sina Pangulong Marcos Jr. at Fiala sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) – European Union (EU) commemoration summit sa Brussels, Belgium noong December 2022. (Aileen Taliping)

The post Prime Minister ng Czech Republic makikipagkita kay PBBM first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT