Inalala ni Presidential Security Group (PSG) commander Brig. General Ramon Zagala ang kabayanihan ng kanyang ama noong sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Aniya, kabilang ang kanyang amang si Rafael Zagala sa nagtanggol sa Pilipinas sa Bataan, may 81 taon na ang nakalipas.

“My late father, MGEN Rafael Zagala defended the Philippines in Bataan 81 years ago today,” tweet ni Zagala ngayong Araw ng Kagitingan, Abril 9.

Umabot aniya sa edad na 80 ang kanyang ama hanggang sa pumanaw ito dahil sa mga tinamong pinsala bilang prisoner of war sa Capas, Tarlac.

Pinasalamatan niya ang ama sa serbisyo at sakripisyo para sa mga Pilipino.

“He lived till the age of 80 succumbing to injuries he received as POW in Capas Tarlac. He lived a full life of service and sacrifice. Thank you dad for your service. I remember you today.” (IS)

The post PSG chief Zagala saludo sa tatay na pinaglaban Pilipinas sa World War 2 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT