Nanganib ang buhay ng mga Youtube prankster na Tukomi matapos silang tutukan ng baril dahil sa kanilang naging prank.

Sa video na pinost nila sa social media, makikitang ang prank ay tungkol sa kunwaring pagdukot ng isang tao.

Nang magawa na nila ang prank ay bigla na lang may sumigaw na lalaki at nagsabing pulis siya.

Makikitang may nakatutok ng baril sa group ng prankster at pinababa sila sa sasakyan.

Agad naman nagpaliwanag si Hiroshi, isa sa miyembro ng Tukomi, na sinabing prank lang ang kanilang ginagawa.

Mayroon nang lampas 500,000 views ang naturang video sa Facebook.

Marami namang netizen ang nagsabi na dapat mag-ingat na sa susunod ang Tukomi sa kanilang pranks.

The post Pulis pala na-prank! Tukomi tinutukan ng baril first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT