Magagamit umano ang dagdag na kinita ng mga ahensya ng gobyerno upang mapondohan ang mga nakalinyang proyekto at programa.
Ito ang sinabi ni House Committee on Appropriations chairperson at Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co matapos na iulat ng Bureau of Customs (BOC) na nakakolekta ito ng sobra sa target.
“These extra revenues will go a long way in funding the various programs of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. As the chairman of the House appropriations panel, nothing is more reassuring than knowing that the programs and projects we are allocating money for can actually be funded,” sabi ni Co sa isang pahayag.
Iniulat ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio na nakakolekta ang BOC ng P213.619 bilyon sa unang quarter ng 2023 lagpas ng P16.6 bilyon sa P197.02 bilyong target.
“I congratulate the BOC and it’s new leader Commissioner Rubio for exceeding its revenue target for the first three months of 2023. Needless to say, this is a good first impression from Rubio and a portent of good things to come,” sabi ni Co.
Sinabi ni Co na mararamdaman ng publiko ang dagdag na kinita sa pamamagitan ng serbisyo publiko at ayuda na makatutulong sa kanila na makabangon mula sa epekto ng COVID-19 pandemic at mataas na presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Co, isasaalang-alang ng kaniyang komite ang 8-Point Socioeconomic Agenda kung saan nakapaloob ang pagtiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain, maayos na transportasyon, mura at malinis na enerhiya, serbisyo publiko at maayos na pamamahala ng pondo sa pagtalakay sa 2024 national budget.
Inaasahang isusumite ng Malacañang ang panukalang budget para sa susunod na taon matapos ang ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Hulyo. (Billy Begas)
The post Rep. Co: Dagdag kita ng gobyerno, magagamit sa walang pondong proyekto first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento