Hindi sinolo ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mataas na performance at trust rating na nakuha nito at kinilala ang magandang pagtatrabaho ng kaniyang mga kasama sa Kamara de Representantes.

“This is not just a personal achievement but also a tacit recognition of the tireless efforts of the entire House and the dedication of my fellow lawmakers to pass laws and policies that benefit our country and our people,” sabi ni Romualdez.

Nakakuha si Romualdez ng 59% performance rating sa Tugon ng Masa first quarter 2023 survey ng OCTA Research, mas mataas ng 15% kumpara sa 44% nakuha nito noong Oktubre 2022.

Si Romualdez ay nakapagtala naman ng 55% trust rating sa pinakahuling survey mas mataas sa 38% nakuha nito noong 2022 last quarter survey.

“I would like to express my deepest gratitude to the Filipino people for their continued support and trust in my leadership,” sabi ni Romualdez.

Nangako si Romualdez na patuloy na isusulong ang mga panukala na makakapagpabuti sa kalagayan ng mga Pilipino alinsunod sa 8-point socioeconomic agenda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“I would like to assure the public that under my leadership, we will redouble our efforts to prioritize the needs and concerns of the Filipino people. We will press on for the timely passage of laws for progress and development and those meant to address the serious challenges that our nation face,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Naaprubahan na ng Kamara ang 23 sa 31 panukala na prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC). Ang nalalabing walo ay nasa iba’t ibang bahagi na ng proseso. (Billy Begas)

The post Romualdez hindi sinolo mataas na rating, pinuri trabaho ng mga kasama first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT