Hinimok ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang publiko na ipagpasalamat sa Panginoon ang magandang kalusugan, kaligtasan, at ang pagpapalang nakakamit ng bawat isa.
Sa kanyang Easter message, sinabi ni Romualdez hinimok din ni Romualdez ang bawat isa na ipagpasalamat na pisikal na naipagdiriwang ang araw na ito matapos ang limitasyong naidulot ng COVID-19 pandemic.
Umaasa si Romualdez na nagamit ng bawat isa ang Mahal na Araw upang alalahanin ang mga nagawa sa nakalipas at nahanap ang daan pasulong.
“I hope and pray that the Holy Week has given all of us ample time to rest and spend quality time with our family and loved ones. I also hope that all of us had the opportunity to reflect on our past actions and contemplate finding the right path forward,” sabi ni Romualdez.
Ayon kay Romualdez ang Easter Sunday ay naghahatid n kagalakan sa bawat isa dahil inaalala rito ang muling pagkabuhay ng Panginoon na namatay para tubusin ang ating mga kasalanan.
“It is also a time of hope, for in our Lord’s resurrection we find that the promise of eternal life holds true for all of Christianity,” dagdag pa ni Romualdez. (Billy Begas)
The post Romualdez ngayong Easter Sunday: Ipagpasalamat ang maayos na kalusugan, kaligtasan, pagpapala first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento