Itinanghal na Best Actress sa Baeksang Arts Awards 2023 si Song Hye Kyo para sa pagganap nito sa ‘The Glory’.

Ang nasabing event ay ginanap sa Incheon, South Korea. Si Park Bo Gum at Suzy ang host sa nasabing event.

Samantala, nakuha naman ni Park Eun Bin ang Daesang o Grand Prize, ito ay para sa pagganap niya sa ‘Extraordinary Attorney Woo’. Ang direktor naman ng nasabing programa na si Yoo In Shik ay inuwi ang Best Director for Drama.

Ang Baeksang Arts Awards ay isang event upang kilalanin ang mga pinakamahusay na talento at proyekto sa K-entertainment industry.

(CS)

The post Song Hye Kyo nasungkit Best Actress sa Baeksang Arts Awards 2023 first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT