Ang Araw ng Kagitingan ay isang paalala umano sa mga Pilipino na lumaban, umabante at magkaisa upang magtagumpay.

Ito ang mensahe ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagdiriwang ng ika-81 Araw ng Kagitingan.

“As we look back into the dark day that we now call the ‘Fall of Bataan,’ we must never forget the sacrifices of Filipino resistance fighters who stood up against the might of foreign invaders in World War II, which gave the rest of our nation the inspiration and strength to fight on,” sabi ni Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na ang naging laban ng bansa sa COVID-19 pandemic ay isang patunay umano ng lakas ng loob ng mga Pilipino.

“Let this day remind us that we are strong as a nation, that faced even with seemingly insurmountable odds we will always prevail as long as we are united, and as long as we continue to draw our strength from the virtues of our heroes. We do not give up, we press forward, and we overcome,” sabi ni Romualdez.

Ang Araw ng Kagitingan ay isang regular holiday na ipinagdiriwang tuwing Abril 9 alinsunod sa Executive Order No. 203, s. 1987 upang maging paalala sa pagbagsak ng Bataan sa kamay ng mga Hapon noong Abril 9, 1942.

“This day reminds us of a priceless legacy: that the same courage and bravery our heroes displayed in the crucible of war–in the Fall of Bataan– run in our blood, through our veins,” dagdag pa ng lider ng Kamara.

Sa ilalim ng Proclamation No. 90 na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ginawang non-working holiday ang Abril 10, 2023 bilang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan. (Billy Begas)

The post Speaker Romualdez: Araw ng Kagitingan paalala na umabante sa buhay first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT