Isang mambabatas ang naghain ng panukala upang magkaroon ng subject na swimming sa ilalim ng K to 12 curriculum.
Ayon kay Probinsyano Ako party-list Rep. Rudys Caesar Fariñas I, layunin ng kaniyang panukalang Drowning Prevention Act (House Bill 7476) na mabawasan ang mga nalulunod sa panahon ng kalamidad at recreational aquatic activity.
Kasama sa ituturo ang water safety at safe rescue skills at ang magtuturo ay dapat trained instructor o certified lifeguard.
Sa ilalim ng panukala, ang Department of Education (DepEd) ang tutukoy kung gaano kahaba ang magiging aralin at kung saang grade ito gagawing mandatory subject.
Inaatasan din ng panukala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na gumawa ng Drowning Prevention Plan na gagamiting gabay ng lahat ng pribado at pampublikong elementarya at high school at lokal na pamahalaan sa paggawa ng kanilang programa at proyekto upang mabawasan ang bilang ng mga namamatay sa pagkalunod.
Nauna rito ay iniulat ng Philippine National Police na 72 katao ang nalunod noong Lenten holiday. (Billy Begas)
The post Swimming ipinasasama sa K-12 curriculum first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento