Naudlot ang nakatakdang outdoor speech ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Wakayama matapos makarinig ng malakas na pagsabog sa nasabing lugar.
Ayon sa Japan public broadcaster na NHK, pinaniniwalaan na isang bagay ang inihagis sa lugar at ito ay pumutok.
Maayos naman umano ang kalagayan ni Kishida at hindi ito nasaktan, ayon sa NHK.
Isang lalaki naman ang inaresto ng mga awtoridad.
(CS)
The post Talumpati ni Japanese PM Fumio Kishida naudlot, malakas na pagsabog narinig first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento