Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang pagtatayo ng ikatlong viaduct sa North Luzon Expressway (NLEX).
Ayon kay House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr., nagbigay na ang TRB ng Conditional Notice to Proceed sa NLEX Corporation, ang operator ng naturang expressway.
Binigyan-diin ni Gonzales ang kahalagahan na madagdagan ang madadaanang viaduct sa Candaba swamp lalo at ang kasalukuyang dalawang viaduct ay ginawa 47 taon na ang nakakaraan.
“The new bridge will give us the assurance that North Luzon will remain connected to Metro Manila whatever happens to the old spans,” sabi ni Gonzales.
Ang bagong tulay ay nagkakahalaga ng P6 bilyon at inaasahang matatapos sa susunod na taon.
Ang viaduct ay nag-uugnay sa Pulilan, Bulacan at Candaba at Apalit, Pampanga.
“Though these bridges are not part of my district, my constituents and the people of Pampanga are among the many stakeholders who benefit from the continued operation of these viaducts, so I take it upon myself to work hard to see this project bear fruit,” dagdag pa ni Gonzales.
Katuwang ni Gonzales na nanawagan sa pagtatayo ng bagong viaduct si Pampanga Rep. Anna York Bondoc. (Billy Begas)
The post TRB pinayagan pagtatayo ng ikatlong viaduct sa NLEX first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento