Nasawi ang dalawang pulis matapos ma-trap sa gumuhong tulay sa Colombia. Ang nasabing tulay ay nagkokonekta sa lugar ng Quindio at Valle del Cauca.
Dalawang truck at isang sasakyan din ang na-trap sa nasabing tulay. Ilang katao naman ang maswerteng nakaalis sa tulay bago ito tuluyang gumuho.
Ang tulay umano ay itinayo noong 1984 at huling ininspeksyon tatlong buwan na ang nakakalipas.
Samantala, dinala naman sa pinakamalapit na ospital ang mga nakaligtas sa nasabing insidente.
(CS)
The post Tulay sa Colombia gumuho, dalawang pulis dedo first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento