Viral ngayon ang post ng isang netizen kung saan inireklamo niya ang isang resort sa Nasugbu, Batangas dahil sa isang empleyado nito na nanakit at nangmanyak daw ng mga guest.

Sa Facebook post ni Merfy Guillena, ikinuwento ang umano’y pag-atake ng isang staff ng Casa Privada sa kanyang pinsan.

“Our family outing has been a disaster because my cousin was attacked by the resort staff, living inside the villa property, with complete access inside the resort,” wika ng netizen.

“The resort did not take the responsibility and blamed us instead,” lahad pa nito.

Bukod pa rito, nakita rin daw ng kanyang pinsan na may bitbit na kutsilyo ang staff papunta sa kanilang villa kaya tumawag ito ng pulis.

Nagpakita rin ng nga message ang netizen mula umano sa staff kung saan niyayaya siya nitong mag-meet sila.

Base sa convo, napupusuan daw siya ng staff at gusto raw siyang ma-hug nito.


Sa ngayon ay deactivated na ang Facebook profile ng naturang resort, at nagpalit na rin sila ng pangalan sa Instagram.

“THIS PLACE IS NOT SAFE. No security guard at night and the staff inside and the staff are all indecent. Worst, the management sided their staff despite of the messages shown and police encounter. Don’t go here with your family if you don’t want your getaway to be ruined,” ayon sa netizen.

Wala pang pahayag ang Casa Privada hinggil sa insidente. (RP)

The post Turista inatake, minanyak daw ng resort staff sa Batangas first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT