Naghatid ng good vibes ang Facebook post ng aktor na si Piolo Pascual matapos nitong ibahagi ang isang larawan kung saan makikitang nakahilata na ito sa sahig.

Ayon sa aktor, dahil umano sa sobrang pagod ay hindi na siya nakaabot sa kama at nakuhang humilata na lang sa sahig.

“Yung sa sobrang pagod mo hindi ka na umabot sa kama… Good night ebribadi..”

Pabiro naman itong nag-iwan ng komento sa post at sinabing ang unan na mismo ang lumapit.

“Yung unan na po ang lumapit..”

Bentang-benta naman sa netizens ang larawan na ito ng aktor.

“Piolo Pascual PH ang unan na po ang nag adjust para sayo! Sanaol! Sweetdreams!”

“Piolo Pascual PH ung unan na nag adjust! Nafeel niyang pagod kana! San po nakakabili niyan?”

“Piolo Pascual PH Papa P yong unan na nag adjust pra sayo”

(CS)

The post Unan na ang nag-adjust! Piolo Pascual humilata sa sahig dahil sa pagod first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT