Naglalayag ngayon sa West Philippine Sea ang apat na barkong pandigma ng Amerika para sa routine deployment sa ilalim ng U.S. 7th Fleet area of operation.
Ang apat na barkong pandigma ay kinabibilangan ng aircraft carrier USS Nimitz, Ticonderoga-Guided missile cruiser USS Bunker Hill, Arleigh Burke-class guided-missile destroyers USS Decatur at USS Wayne E. Mayer.
Ayon kay Carrier Strike Group 11 Commander Rear Admiral Christoper Sweeney, nakahanda ang kanilang carrier strike group sa anumang “coercive behavior” para i-destabilize ang rehiyon.
Bukod sa mga guided-missile destroyer at cruiser sakay din ng mga barkong pandigma ng Amerika ang Strike Fighter Squadron, Electronic Attack Squadron, Maritime Strike Squadron, Helicopter Sea Combat Squadron, Early Warning Squadron at Logistic Support Squadron.
Ang apat na U.S. Navy Carrier ay posibleng makatuwang ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa ikinakakasang joint patrol sa west Philippine Sea at sa mga Islang pag-aari ng Pilipinas na nasa loob ng economic zone ng bansa.
Ang U.S. 7 Fleet ang pinakamalaking US Navy Fleet na naka deploy sa Indo Pacific Region para siguruhin ang freedom of navigation at kapayapaan sa rehiyon.
The post U.S. Navy Fleet rumuronda na sa West Philippine Sea first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento