Matapos ilikas ang may 12,000 katao sa Bicol region sa pananalasa ng unang bagyo ngayong taon, nanawagan si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa Senado na bilisan ang pag-apruba sa Evacuation Center bill.
“That tropical depression ‘Amang’ had driven over 12,000 people in our region out of their homes this month points anew to the urgency for the Congress to write new legislation putting up permanent evacuation centers all over the country for people who have been forced to flee their homes by disasters, calamities, floods, storm surges and other severe climate disturbances, as well as fire, and the outbreak of diseases that pose imminent danger to life and property,” sabi ni Villafuerte, pangulo ng National Unity Party.
Batay sa ulat ng Office of Civil Defense (OCD) sa Bicol, inilikas ang 2,711 pamilya o 12,658 katao sa Camarines Sur, Camarines Norte, at Albay dahil sa mga pagbaha dulot ng bagyong Amang.
Inaprubahan na ng Kamara de Representantes ang House Bill 7354 na naglalayong magtayo ng mga permanenteng evacuation center sa bawat siyudad at munisipalidad na mapupuntahan ng publiko kapag may bagyo, at iba pang kalamidad.
Sa ilalim ng panukala, ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay inatasan na maghanap ng lugar na tatayuan ng evacuation center sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.
Kapag natapos ng itayo ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sinabi ni Villafuerte na ang mga lokal na pamahalaan na ang mag-ooperate at mangangasiwa rito.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nasa 10 hanggang 14 na bagyo ang inaasahan na papasok sa Philippine Area of Responsibility mula Mayo hanggang Oktubre.
Unang inihain ni Villafuerte ang panukala na magtayo ng mga permanenteng evacuation center matapos ang pananalasa ng bagyong Ompong noong Setyembre 2018. (Billy Begas)
The post Villafuerte pinamamadali sa Senado pagpasa sa evacuation center bill first appeared on Abante TNT.
Source: Abante TNT
0 Mga Komento