Tinatayang nasa 14 na lugar ang nakaranas ng ‘danger’ heat index noong Sabado, ito ay ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang init umano ay mula 42 hanggang 46 degrees Celsius.

Naitala naman sa Dipolog City, Zamboanga del Norte ang pinakamataas na heat index noong Sabado, pumalo ito sa 46 degrees Celsius.

Ang ibang lugar naman na naranasan ang ‘danger’ heat index ay ang Butuan City sa Agusan del Norte at Zamboanga City na may 45 degrees Celsius; Dagupan City at Davao City na may 43 degrees Celsius.

Samantala, sa Pasay City, Nueva Ecija, Hinatuan sa Surigao del Sur, Juban sa Sorsogon, Iba sa Zambales, Maasin City sa Southern Leyte, Laguindingan Airport sa Misamis Oriental, Roxas City sa Capiz at San Jose sa Occidental Mindoro na may 42 degrees Celsius.

Ayon sa PAGASA, ang epekto umano ng ‘danger’ heat index sa katawan ay heat cramps at posibleng heat stroke.

(CS)

The post 14 na lugar naranasan ang ‘danger’ heat index noong Sabado first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT