Pinayagan na ni Elon Musk na mag-upload ng 2-hour videos sa Twitter ngunit hindi ito para sa lahat dahil ang makakagawa lamang ng ganito ay ang Twitter Blue Verified subscribers.

“Twitter Blue Verified subscribers can now upload 2 hour videos (8GB)!” anunsyo ni Musk sa Twitter.

Nitong mga nakaraang linggo, sunod-sunod ang mga ginagawang pagbabago ni Musk sa Twitter.

Kamakailan lang ay inanunsyo nito ang bagong CEO ng Twitter, ito ay si Linda Yaccarino.

Bukod sa bagong CEO, inanunsyo rin nito na magkakaroon na ng voice at video chat sa Twitter.

“Coming soon will be voice and video chat from your handle to anyone on this platform, so you can talk to people anywhere in the world without giving them your phone number.”

(CS)

The post 2-hour videos sa Twitter, aprubado ni Elon Musk first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT