Pinagdudahan ng mga netizen ang dahilan ng fiancee ni Whamos Cruz na si Antonette Gail del Rosario sa pagpapaopera niya ng ilong.

Ayon kay Antonette, kinailangan niyang magpa-nose surgery matapos niyang madulas at tumama ang ilong niya sa lamp shade sa kanilang kuwarto.

Grabe raw ang pagdurugo ng ilong niya matapos maumpog at lumabas sa resulta ng kanyang X-ray na may umusling buto ng nose niya dahil sa insidente.

Sa kasamaang-palad, binatikos ng ilang netizens ang kanyang pagpapaopera at nagduda sa kanyang kuwento.

Marami ang nagsabing hindi lamang siya nakuntento sa kanyang itsura at gawa-gawa lamang niya ang aksidente.

Naglabas naman ng mensahe si Antonette para sa mga hindi naniniwala sa kanya.

Ipinakita rin niya ang resulta ng kanyang X-ray.

Aniya, “Bahala na kayo sa mga pinagsasabi n’yo, hindi naman lahat ng tao mapi-please natin. Kahit ilang ulit kong sabihin naaksidente ako, kung hindi kayo maniniwala, eh ‘di ‘wag. Saka katawan ko ‘to, ako ‘yung may kontrol dito kung ano ‘yung mga gusto kong gawin.” (IS)

The post Antonette Gail nagpaopera ng ilong dahil sa aksidente, pinagdudahan ng netizens first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT