Mali raw ang mga basher sa kanilang tingin na ‘ginagamit’ umano ng pamilya ni Sylvia Sanchez si Maine Mendoza para sa publicity at pera.

Sa ‘Showbiz Now Na’ ni Cristy Fermin, sinabi niya na malabong sumandig si Sylvia kay Maine lalo’t hindi pa sikat ang huli ay nasa showbiz na ang nanay ni Arjo Atayde.

“Bakit po siya makikiangkas kay Maine Mendoza, na 2015 lang ipinanganak sa AlDub ni Alden Richards na magkasama,” sey ni Cristy.

“Si Sylvia Sanchez po ay napakatagal na panahon na kinikilalang napakamagaling na aktres, hindi niya kailangang gamitin ang kanyang mamanugangin para siya ay magkaroon ng publisidad,” punto pa nito.

Pinangaralan din niya ang mga basher ni Sylvia na mag-research kung anong klaseng pamilya galing ang aktres, dahil may mga nagsasabing pera daw ni Maine ang ginagamit para sa mga pino-produce nitong pelikula.

“Diba nagpo-produce ngayon ng pelikula ang pamilya, may (Cattleya Killer) at ‘Topak’ at marami pang iba. Pinalalabas ng mga basher na ito na ‘yun daw pinagpo-produce na mga ito ni Sylvia at kanyang pamilya, pera ni Maine Mendoza!” lahad pa ni Fermin.

(RP)

The post Asa daw sa pera ni Maine? Sylvia hindi kailangang ‘gamitin’ dyowa ni Arjo first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT