Viral ngayon sa Facebook ang ibinahaging videos ng isang netizen na si Ruth Elaine Tuazon Vilaga kung saan makikitang pinasok ng tubig ang bagong bukas na superstore sa Pampanga.

Makikita sa ilang videos na mula sa itaas ang tubig at malakas ang buhos nito sa loob.

Sa sobrang lakas naman ng buhos ng tubig ay binaha na ang loob ng superstore dahilan upang mabasa ang ilang mamimili.

“It’s leaking and raining hard inside Landers Angeles City. Goodluck sa contractor nito.” saad nito sa caption.

Ayon pa kay Ruth Elaine, nagdala umano ng takot ang nangyaring pagpasok ng tubig dahil sa lakas ng tagas nito.

“Seriously, sa totoo lang kinakabahan na ako dyan. Kasi sa lakas ng tagas ng tubig ulan iniisip ko baka bumagsak sa amin yung kahoy na design sa taas na may mga ilaw o electrical wirings.”

(CS)

The post Bagong bukas na superstore sa Pampanga, pinasok ng tubig first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT