Nabisto ng Bureau of Immigration (BI) ang bagong modus ng mga sindikato ng human trafficking sa pamamagitan ng paggamit ng pekeng Commission on Filipino Overseas (CFO) certificates.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Immigration Commissioner Spokesperson Dana Sandoval na may ilan ng nabiktima ang mga sindikato na gumagamit ng pekeng COF para makalabas at makapagpakasal sa mga dayuhan.

“Isa sa mga emerging trends ay yung pamemeke ng COF certificates. Ito ay requirement ng Inter-Agency Council Against Trafficking doon sa mga kababayan natin na mag-a abroad to meet and marry foreign spouse,” saad ni Sandoval.

Ang mga pekeng pre-departure seminar certificate ang ginagamit aniya ng mga sindikato ng human trafficking para makapambiktima ng mga Pinoy na nais makalabas ng bansa.

Batay aniya sa record ng BI, mayroon na silang nasabat sa mga biktima mula sa Cebu International Airport at sa Clark International Airport sa Pampanga at gumagamit ang sindikato ng iba’t ibang airports para sa kanilang operasyon.

“Nakikita natin that it’s really increasing at marami-rami taong mga kababayan na naloloko.Its obvious that they are trying to use different airports para makaalis itong mga naloloko nila na biktima. Yung kahapon ay bound for Australia , at sa Cebu ay bound for British Island,” dagdag ni Sandoval.

Pinayuhan ni Sandoval ang publiko na huwag magpaloko sa mga sindikato at sa halip ay dumaan sa mga tamang ahensya kung nais nilang lumabas ng bansa para makipagkita at magpakasal sa kanilang mga dayuhang kasintahan.

“Itong CFO ay para sa mga kababayan natin who would be going abroad to see yung kanilang foreign spouse or marry their foreign partner. Kinailangang they have to go to the website of CFO (cfo.gov.ph) para doon mag-apply ng certificate upang hindi maloko ng mga scammer o sindikato,” wika ni Sandoval. (Aileen Taliping)

The post Bagong modus ng mga sindikato sa human trafficking, nabuko ng BI first appeared on Abante TNT.


Source: Abante TNT